CMG Lantern Festival Gala, pasisinayaan

2022-02-15 15:53:25  CMG
Share with:

CMG Lantern Festival Gala, pasisinayaan_fororder_20220215Yuanxiao3640

Mamayang gabi, Pebrero 15, 2022, maringal na pasisinayaan sa iba’t-ibang plataporma ng China Media Group (CMG) ang CMG 2022 Lantern Festival Gala.

Kabilang sa mga tampok ng nasabing gala ay ang Beijing Winter Olympics, aerospace ng Tsina, babaeng koponan ng putbol ng Tsina at iba pa.

CMG Lantern Festival Gala, pasisinayaan_fororder_20220215Yuanxiao2640

Sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng siyensiya’t teknolohiya, tradisyonal at modernong elemento, ihahatid sa mga tagapanood ang isang bangketeng pangkultura.

Bukod pa riyan, sasali sa nasabing gala ang Beijing Winter Olympic at Paralympic mascots na  sina Bing Dwen Dwen at Shuey Rhon Rhon.

CMG Lantern Festival Gala, pasisinayaan_fororder_20220215Yuanxiao1640

Ipapaabot din ng mga Olympic champions na sina Gu Ailing, Wu Dajing, Fan Kexin, Qu Chunyu, Ren Ziwei, at iba pa ang kanilang pinakamagandang pagbati sa mga tagapanood.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method