Balik-tanaw sa mga nakaraang Olimpiyada ng Taglamig (Ikalawang Bahagi)

2022-02-15 16:41:53  CMG
Share with:

Ang Winter Olympic Games ay pinakamalaking palaro sa taglamig sa buong daigdig.

Idinaraos ito kada apat na taon sa iba’t-ibang lugar ng daigdig sa pagtataguyod ng International Olympic Committee (IOC).

Kasalukuyang idinaraos sa Beijing ang ika-24 na Winter Olympics.

Narito ang kasaysayan ng nakaraang 23 Winter Olympics.

Ika-9 na Olimpiyada ng Taglamig — Innsbruck Winter Olympics (mula noong Enero 29 hanggang Pebrero 9, 1964)

Balik-tanaw sa mga nakaraang Olimpiyada ng Taglamig (Ikalawang Bahagi)_fororder_20220210DiJiu650

Idinaos noong Enero 29, 1964 sa Innsbruck, Austria ang seremonya ng pagbubukas ng ika-9 na Olimpiyada ng Taglamig. Sinindihan ni Austrian skier Joseph Rieder ang Olympic flame.

Idinaos noong taong 1964 ang ika-9 na Olimpiyada ng Taglamig sa Innsbruck, Austria, sikat at tinaguriang banal na lugar ng pag-ski sa bansang ito.

Ngunit dinanas ng lugar na ito noong 1964 ang grabeng problema ng kakulangan ng niyebe. Upang resolbahin ang problemang ito, ipinadala ng pamahalaan ng Austria ang tropa upang kolektahin ang niyebe mula sa Bundok ng Alps. Samantala, anim na snowmakers ang ipinadala mula sa Amerika.

Sa kauna-unahang pagkakataon, naglabanan ang mga atleta sa karerahang gawa sa artipisyal na yelo sa Innsbruck 1964 Winter Olympics.


Ika-10 Olimpiyada ng Taglamig — Grenoble Winter Olympics (mula noong Pebrero 6 hanggang Pebrero 18, 1968)

Balik-tanaw sa mga nakaraang Olimpiyada ng Taglamig (Ikalawang Bahagi)_fororder_20220210DiShi650

Idinaos noong Pebrero 6, 1968 sa Grenoble, Pransya ang seremonya ng pagbubukas ng ika-10 Olimpiyada ng Taglamig.

Sa Grenoble 1968 Winter Olympics, isinagawa sa kauna-unahang pagkakataon ang gender testing para sa mga babaeng atleta.


Ika-11 Olimpiyada ng Taglamig — Sapporo Winter Olympics (mula Pebrero 3 hanggang Pebrero 13, 1972)

Balik-tanaw sa mga nakaraang Olimpiyada ng Taglamig (Ikalawang Bahagi)_fororder_20220210DiShiYi650

Noong Pebrero 3, 1972, idinaos sa Sapporo ang seremonya ng pagbubukas ng ika-11 Olimpiyada ng Taglanmig.

Ang Sapporo 1972 Winter Olympics ay unang Olimpiyada ng Taglamig na idinaos sa labas ng Europa at Amerika. Ito rin ay unang Olimpiyada ng Taglamig na idinaos sa Asya.

Sa Olimpiyadang ito, ipinagbawal ng IOC ang pagtanggap ng kalahok na atleta ng anumang pera o gantimpalang salapi. Kung lalabag sila, papatawan sila ng diskwalipikasyon bilang propesyonal na atleta.

Sa kauna-unahang pagkakataon, sumali ang Pilipinas sa Sapporo 1972 Winter Olympics na naging kauna-unahang bansang tropikal na lumahok sa Winter Olympic Games.

Sina Ben Nanasca and Juan Cipriano ang mga unang Pinoy na lumaban sa nasabing Olimpiyada.
 

Ika-12 Olimpiyada ng Taglamig — Innsbruck Winter Olympics (mula Pebrero 4 hanggang Pebrero 15, 1976)

Balik-tanaw sa mga nakaraang Olimpiyada ng Taglamig (Ikalawang Bahagi)_fororder_20200210DiShiEr650

Idinaos noong Pebrero 4, 1976 sa Innsbruck, Austria ang seremonya ng pagbubukas ng ika-12 Olimpiyada ng Taglamig. Sinindihan ang main torch ng Olimpiyadang ito.

Noong una, binigyan ng IOC ng karapatan ng pagho-host ng 1976 Winter Olympics ang Denver ng Amerika, ngunit binitiwan noong Nobyembre 15, 1972 ng Denver ang karapatang ito .

Pagkatapos nito, nag-bid ang Innsbruck ng Austria sa IOC sa pagtataguyod ng nasabing Olimpiyada ng Taglamig.

Noong Pebrero 4, 1973, ipinasiya ng IOC na idaos ang 1976 Winter Olympics sa Innsbruck.
 

Ika-13 Olimpiyada ng Taglamig — Lake Placid Winter Olympics (mula Pebrero 13 hanggang Pebrero 24, 1980)

Balik-tanaw sa mga nakaraang Olimpiyada ng Taglamig (Ikalawang Bahagi)_fororder_20200210DiShiSan1650

Idinaos sa Lake Placid, Amerika noong Pebrero 13, 1980 ang seremonya ng pagbubukas ng Lake Placid 1980 Winter Olympics.

Mula noong Pebrero 13 hanggang Pebrero 24, 1980, idinaos sa Lake Placid, estadong New York ng Amerika ang ika-13 Olimpiyada ng Taglamig.

Balik-tanaw sa mga nakaraang Olimpiyada ng Taglamig (Ikalawang Bahagi)_fororder_20200210DiShiSan2350

Makaraang muling kilalanin ang Komite ng Olimpiyada ng Tsina ng IOC noong taong 1979, sumali sa kauna-unahang pagkakataon, sa nasabing Winter Olympics ang delegasyong Tsino na binuo ng 28 atleta.

Bukod pa riyan, nakuha sa Olimpiyadang ito ni Hanni Wenzel, atleta mula sa Principality of Liechtenstein, maliit na bansang Europeo na may 25 libong populasyon lang, ang 2 medalyang ginto at 1 medalyang pilak.

Resulta nito, ang Principality of Liechtenstein ay naging pinakamaliit na bansang nagtamo ng medalyang ginto sa kasaysayan ng Winter Olympics.
 

Ika-14 na Olimpiyada ng Taglamig — Sarajevo Winter Olympics (mula Pebrero 8 hanggang Pebrero 19, 1984)

Balik-tanaw sa mga nakaraang Olimpiyada ng Taglamig (Ikalawang Bahagi)_fororder_20220210DiShiSi640

Seremonya ng pagbubukas ng Sarajevo 1984 Winter Olympics.

Sa kauna-unahang pagkakataon, idinaos noong taong 1984 ang Winter Olympics sa isang bansang sosyalista, sa Yugoslavia.

Lubos na pinahahalagahan ng mga mamamayan ng Yugoslavia ang nasabing Olimpiyada, at winelkam nila ang mga atleta ng iba’t-ibang bansa na may napakalaking kasiglahan.


Ika-15 Olimpiyada ng Taglamig — Calgary Winter Olympics (Pebrero 13 hanggang Pebrero 28, 1988)

Balik-tanaw sa mga nakaraang Olimpiyada ng Taglamig (Ikalawang Bahagi)_fororder_20220210DiShiWu650

Noong Pebrero 13, 1988, idinaos sa Calgary, Kanada ang seremonya ng pagbubukas ng ika-15 Olimpiyada ng Taglamig.

Mula noong Pebrero 13 hanggang Pebrero 28, 1988, idinaos sa Calgary, Kanada ang ika-15 Olimpiyada ng Taglamig.

Sa kauna-unahang pagkakataon, pinahaba sa 16 na araw ang panahon ng palarong ito.
 

Ika-16 na Olimpiyada ng Taglamig — Albertville Winter Olympics (mula Pebrero 8 hanggang Pebrero 23, 1992)

Balik-tanaw sa mga nakaraang Olimpiyada ng Taglamig (Ikalawang Bahagi)_fororder_20200210DiShiLiu650

Idinaos sa Albertville, Pransya noong Pebrero 8, 1992 ang seremonya ng pagbubukas ng ika-16 na Olimpiyada ng Taglamig.

Mula noong Pebrero 8 hanggang Pebrero 23, 1992, idinaos sa Albertville, Pransya ang ika-16 na Olimpiyada ng Taglamig.

Sapul nang sumali sa unang pagkakataon ang Tsina sa Winter Olympics noong taong 1980, pagkaraan ng 12 taong pagsisikap, nakuha ng delegasyong Tsino ang 3 medalyang pilak sa nasabing Olimpiyada.

Ito ay isang kasiya-siyang progreso.


Salin: Lito

Pulido: Mac
Photo Courtesy: VCG

Please select the login method