Nanawagan nitong Pebrero 14, 2022, si Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), na lutasin ang umiigting na tensyon sa pagitan ng Rusya at Ukraine sa pamamagitan ng diplomatikong paraan.
Aniya, ikinababahala niya ang kasalukuyang kalagayan at ang lumalaking posibilidad ng alitang militar.
Ang digmaan ay may napakalaking kabayaran sa paghihirap ng sangkatauhan, kapinsalaan sa Europa at seguridad ng buong daigdig. Di katanggap-tanggap ang posibilidad ng nakapipinsalang konprontasyong tulad nito, saad niya.
Ayon kay Guterres, wala ibang pagpili kundi ang diplomasya. Dapat lutasin ang mahihirap na isyu sa pamamagitan ng diplomatikong plataporma.
Matatag na nananalig siya na mananaig ang naturang prinsipyo, dagdag ni Guterres.
Nauna rito, sa pamamagitan ng video link, nagpulong sina Guterres at Sergei Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya. Bukod dito, nakipag-usap din si Guterres kay Ministrong Panlabas Dmytro Kuleba ng Ukraine.
Salin:Sarah
Pulido:Mac