Singapore Airshow, binuksan; mga bagong teknolohiya, nakakatawag ng pansin

2022-02-16 14:55:27  CMG
Share with:

Binuksan Martes, Pebrero 15, 2022 ang 4 na araw na 2022 Singapore Airshow.
 

Ito ang pinakamalaking pagtatanghal ng abiyasyong komersyal at pandepensa sa Asya.
 

Dahil sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), hindi bukas sa publiko ang kasalukuyang airshow. Pero kasali pa rin dito ang 590 bahay-kalakal at mahigit 13,000 propesyonal na bisita.

Singapore Airshow, binuksan; mga bagong teknolohiya, nakakatawag ng pansin_fororder_20220216airshow

Nagiging tampok ng kasalukuyang airshow ang mga pananaliksik, imbensyon at kooperasyon na ang pinal na target ay sustenableng pag-unlad, inobasyong teknikal, at serong emisyon.
 

Bukod dito, nakapokus din ang airshow sa pagbangon ng industriya ng abiyasyon.
 

Itinatanghal sa nasabing airshow ang 5 uri ng produkto ng China National Aero-Technology Import & Export Corporation.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method