Sa kanyang pakikipagtagpo ngayong araw, Pebrero 6, 2022 sa Beijing kay Pangulong Halimah Yacob ng Singapore, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na kailangang palalimin ang sinerhiya ng mga estratehiyang pangkaunlaran, at pasulungin ang matatag at pangmatagalang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa sa post-pandemic era.
Winewelkam ni Xi ang mahalagang papel ng panig Singaporean sa dual circulation ng kabuhayang Tsino, batay sa mga mekanismo ng kooperasyong lokal sa pagitan ng Singapore at mga lalawigan’t munisipalidad ng Tsina.
Inihayag naman ni Pangulong Halimah ang pananalig na maidaraos ang Beijing Winter Olympics sa berde’t ligtas na paraan, para mapasulong ang pagkakaisa at kooperasyon ng daigdig.
Aniya, positibo ang pananaw ng kanyang bansa sa Global Development Initiative, at nakahanda ang Singapore na palakasin ang kooperasyon sa Tsina sa mga larangang gaya ng berdeng pag-unlad at digital economy, at pasulungin ang integrasyong panrehiyon.
Salin: Vera
Pulido: Rhio