ASEAN Foreign Ministers' Retreat, ginanap sa Phnom Penh

2022-02-17 15:24:46  CMG
Share with:

ASEAN Foreign Ministers' Retreat, ginanap sa Phnom Penh_fororder_20220217ASEAN

Phnom Penh, Kabisera ng Kambodya—Ginanap Huwebes, Pebrero 17, 2022 ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Foreign Ministers' Retreat, sa pamamagitan ng kapuwa online at offline platform.
 

Ito ang kauna-unahang pulong ng mga ministrong panlabas ng ASEAN sa kasalukuyang taon.
 

Dumalo sa offline meeting si Dato Lim Jock Hoi, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN, kasama ang mga ministrong panlabas ng Pilipinas, Kambodya, Singapore, Indonesia, Laos at Malaysia.
 

Kalahok din dito ang mga ministro ng Biyetnam, Thailand at Brunei, sa pamamagitan ng video link.
 

Samantala, walang ipinadalang kinatawan sa pulong ang Myanmar.
 

Tinalakay sa nasabing pulong ang temang “magkakasamang pagharap ng ASEAN sa mga hamon.”
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method