Kinakatigan ang ASEAN na lutasin ang isyu ng Myanmar sa sariling paraan: Tsina

2022-01-11 16:00:42  CMG
Share with:

Ipinahayag kahapon ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na kinakatigan ng panig Tsino ang ASEAN na lutasin ang isyu ng Myanmar sa sariling paraan at ipatupad ang limang komong palagay sa balangkas ng ASEAN.

Ayon sa ulat, noong Enero 7, nakipag-usap si Min Aung Hlaing, Punong Ministro ng Myanmar kay Hun Sen, dumadalaw na Punong Ministro ng Kambodya. Sa kanilang magkasanib na pahayag, nagpahayag ang Myanmar ng malugod na pagsalubong sa paglahok ng sugo ng ASEAN sa talastasan ng tigil-putukan nila ng mga armadong grupo sa bansa, pero, sinabi nilang kung tutupdin ng panig Myanmar ang limang komong palagay na iniharap ng ASEAN, dapat sundin naman nito ang limang roadmap na inilatag ng Myanmar.


Kaugnay nito, ipinahayag ni Wang na buong lakas na kakatigan ng Tsina ang Kambodya na patingkarin ang papel ng tagapangulong bansa ng ASEAN at pasulungin ang paglutas ng isyu ng Myanmar sa pamamagitan ng diyalogong pulitikal.

Salin: Sissi

Pulido: Mac

 

Please select the login method