Ipinahayag nitong Sabado, Pebrero 19, 2022 ni Pangulong Seyed Ebrahim Raisi ng Iran na ang paggarantiya sa kapakanan ng mga mamamayang Iranyo ay ang susi sa pagkakaroon ng kasunduan tungkol sa isyung nuklear ng Iran.
Sa pag-uusap sa telepono nang araw ring iyon nina Raisi at Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya, sinabi ng una na sa kasalukuyang talastasan sa Vienna, iniharap ng delegasyong Iranyo ang konstruktibong mungkahi.
Pinag-aaralan din aniya ng panig Iranyo ang mungkahi ng iba pang panig na nakabase sa kapakanan ng mga mamamayang Iranyo.
Ginanap sa Vienna noong Disyembre 27, 2021 ang ika-8 round ng talastasan ng mga kaukulang panig sa isyung nuklear ng Iran.
Salin: Lito
Pulido: Rhio