Maling aksyon ng Amerika malubhang nakapinsala sa pandaigdigang kapaligirang pangkalakalan — Tsina

2022-01-28 15:53:20  CMG
Share with:

Ayon sa kapasiyahan nitong Enero 26, 2022, ng Dispute Settlement Body ng World Trade Organization (WTO), dahil hindi ipinatupad ng Amerika ang ruling ng WTO, natamo ng Tsina ang kapangyarihan ng retaliatoryong taripa sa paninda ng Amerika na nagkakahalaga ng 645 milyong USD bawat taon.

 

Ito ang ikalawang beses na natamo ng Tsina ang retaliatoryong taripa sa Amerika mula sa WTO.

 

Kaugnay nito, ipinahayag Enero 27, 2022, ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na umaasa ang Tsina na agad na isagawa ng Amerika ang aktuwal na aksyon para iwasto ang kamalian nito sa imbestigasyon ng trade remedy sa Tsina.

Maling aksyon ng Amerika malubhang nakapinsala sa pandaigdigang kapaligirang pangkalakalan — Tsina_fororder_01高峰

Mahigpit na susubaybayan ng Tsina ang susunod na hakbangin ng Amerika, at pananatilihin ng Tsina ang karapatan ng mas maigting na aksyon, saad ni Gao.

 

Sinabi rin ni Gao na sa loob ng nakaraang mahabang panahon, lumabag ang Amerika sa regulasyon ng WTO, nag-abuso ng trade remedy, hindi isinabalikat ang kapasiyahan ng WTO at mga pandaigdigang obligasyon na maliwanag na itinakda ng WTO. Ang kapasiyahan ng WTO ay nagpakita muli na ang naturang mga aksyon ng Amerika ay malubhang nakapinsala ng pantay-pantay at makatuwirang pandaigdigang kapaligirang pangkalakalan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method