Hiniling Pebrero 20, 2022, ng Parliamento ng Iran sa pamahalaan ng bansa na huwag makipagkasundo sa Amerika hinggil sa talastasan ng Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA) kung wala itong mabisang pangako.
Ayon sa Mehr News Agency ng Iran, sa isang pampublikong pahayag na ipinalabas kamakailan para kay Pangulong Ebrahim Raisi, binatikos ng mga 250 miyembro ng parliamento ng bansa ang Amerika at tatlo pang bansang Europeo dahil sa hindi pagsunod sa pangako noong nakaraang ilang taon.
Ito anila ay nakapinsala sa kapakanan ng mga Iranyo.
Sinabi ng pahayag na dapat ipangako ng Amerika at mga bansang Europeo sa mga Iranyo na aalisin ang lahat ng sangsyon sa katuwiran ng isyung nuklear at iba pa.
Anila pa, dapat maagang alisin ng Amerika at ibang kinauukulang panig ang sangsyon sa Iran.
Pagkatapos ng pagsusuri sa epekto ng paga-alis ng sangsyon, ipapatupad ng Iran ang pangako nito, saad nila.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio