Nanawagan ang Tsina sa iba’t ibang panig na sangkot sa isyu ng Ukraine na magtimpi at lutasin ang pagkakaiba sa pamamagitan ng diyalogo.
Ipinahayag ito Pebrero 22, 2022, sa preskon sa Beijing, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.
Nag-usap sa telepono sa araw ring iyon sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika, at nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa isyu ng Ukraine at isyung nuklear ng Korean Peninsula.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Wang Wenbin na dapat igalang ang makatuwirang pagkabahala ng ibang bansa, at dapat pangalagaan ang prinsipyo ng Karta ng United Nations (UN). Patuloy na ani pa ni Wang, na makikipag-ugnayan ang Tsina sa iba’t ibang panig batay sa katotohanan.
Salin:Sarah
Pulido:Mac