Pangulo ng Ukraine: Isasaalang-alang ang mungkahi ng Ministring Panlabas ukol sa pagputol ng relasyong diplomatiko sa Rusya

2022-02-23 15:33:24  CMG
Share with:

Sa news briefing sa Kiev Martes, Pebrero 22, 2022, sinabi ni Pangulong Volodymyr Zelensky ng Ukraine na isasaalang-alang niya ang mungkahi ng Ministring Panlabas ng bansa ukol sa pagputol sa relasyong diplomatiko sa Rusya.

Pangulo ng Ukraine: Isasaalang-alang ang mungkahi ng Ministring Panlabas ukol sa pagputol ng relasyong diplomatiko sa Rusya_fororder_20220223Ukraine

Pagkatapos ng kanyang pakikipagtagpo sa kanyang dumadalaw na Estonian counterpart na si Alar Karis nang araw ring iyon, inihayag ni Zelensky na di-maaaring malawakang pasidhihin ng Rusya ng maigting na kalagayan.
 

Aniya, ang paglala ng kalagayan ng Ukraine ay isang walang katulad na hamon sa kasaysayan para sa Europa at buong daigdig.
 

Ang komprehensibong pagtigil ng Nord Stream 2 natural gas pipeline project ay dapat ilakip sa mga sangsyon laban sa panig Ruso, dagdag niya.
 

Pinabalik nang araw ring iyon ng Ministring Panlabas ng Ukraine ang charge d'affaires ng Pasuguang Ukrainian sa Rusya.
 

Sinabi kahapon ng Press Secretary ng Pangulong Ruso na hinding hindi inaasahan ng panig Ruso ang pagputol ng relasyong diplomatiko sa panig Ukrainian, dahil hahantong ito sa pagiging mas masalimuot ng kalagayan, at ang pagsira ng relasyong diplomatiko ng Rusya at Ukraine ay magbubunsod ng di-paborableng epekto sa dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method