Nanawagan Pebrero 23, 2022, si Zhang Jun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa United Nations (UN), sa iba’t-ibang kinauukulang panig ng Ukraine na panatilihin ang pagtimpi para maiwasan ang anumang aksyon na posibleng magpalala pa sa mahigpit na kalagayan.
Ipinahayag ni Zhang na palagiang naninindigan ang Tsina para sa pangangalaga ng soberanya at kabuuan ng teritoryo ng iba’t-ibang bansa, at magkakasamang pagtalima sa diwa at prinsipyo ng Karte ng UN.
Alinsunod dito, nananawagan aniya ang Tsina sa iba’t-ibang panig na patuloy na isasagawa ang diyalogo at koordinasyon, batay sa pagkapantay-pantay at paggalang sa isa’t isa, at lutasin ang isyung ito sa pamamagitan ng mapayapang paraan.
Ini-enkorahe ng Tsina ang lahat upang magsikap at pasulungin ang diplomatikong kalutasan, ani Zhang.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio