FM ng Tsina at Rusya, nag-usap sa telepono

2022-02-25 16:18:00  CMG
Share with:

Nag-usap sa telepono kahapon, Pebrero 24, 2022, sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at kanyang counterpart na si Sergei Lavrov ng Rusya.

 

Sa pag-uusap, isinalaysay ni Lavrov ang kalagayan ng Ukraine at paninindigan ng Rusya sa isyung ito.

 

Ipinahayag niyang lumabag ang Amerika at North Atlantic Treaty Organization (NATO) sa pangako nito, nagpatuloy ang ekspansyon pasilangan, hindi ipinatupad ang Minsk-2 agreement at ang Resolution 2202 ng United Nations Security Council.

 

Dahil dito, ang Rusya ay napilitang magsagawa ng kinakailangang hakbangin para mapangalagaan ang karapatan at sariling kapakanan ng bansa.

 

Ipinahayag ni Wang na palaging iginagalang ng Tsina ang soberanya at kabuuan ng teritoryo ng mga bansa. Kinikilala nito ang masalimuot at pangkasaysayang konteksto ng isyu ng Ukraine. Nauunawaan ng Tsina ang makatuwirang panseguridad na pagkabalisa ng Rusya.

 

Aniya, naninindigan ang Tsina na dapat tuluyang bitiwan ang kaisipang Cold War, at dapat buuin ang balanse, mabisa at sustenableng mekanismong pangseguridad ng Europa sa pamamagitan ng diyalogo at talastasan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method