Habang ginagawa ang paghahanda sa Beijing at co-host city na Zhangjiakou para sa nalalapit na Beijing 2022 Winter Paralympics, binuksan kahapon, Pebrero 25, 2022, ang mga Winter Paralympic village sa tatlong competition zones.
Mula sa dating mga Winter Olympic village, binago ang mga Winter Paralympic village at ngayon ay may mga logo at simbolo ng paralimpiyada, at inilagay ang mga bagong pasilidad at mga signs para sa mga may kapansanan.
Bubuksan sa darating na Marso 4 ang Beijing 2022 Winter Paralympics, at sisimulan ang mga paligsahan sa Marso 5. Ipipinid naman ang palaro sa Marso 13.
Sa kasalukuyan, 48 delegasyon ang kuwalipikado sa Beijing Winter Paralympics, at magpapaligsahan sila sa 78 event.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos