Ngayong araw sa Kasaysayan: Magkasanib na Komunike ng Tsina at Amerika, ipinalabas noong Pebrero 28, 1972

2022-02-28 16:28:56  CMG
Share with:

Ngayong araw sa Kasaysayan: Magkasanib na Komunike ng Tsina at Amerika, ipinalabas noong Pebrero 28, 1972_fororder_20220228Amerika5640

Ang burador ng “Magkasanib na Komunike” ng Tsina at Amerika.

Pebrero 27, 1972, lunsod Shanghai – Nilagdaan ng Tsina at Amerika ang  “Magkasanib na Komunike,” at ipinalabas ito noong Pebrero 28.

Ngayong araw sa Kasaysayan: Magkasanib na Komunike ng Tsina at Amerika, ipinalabas noong Pebrero 28, 1972_fororder_20220228Amerika4400

Sa front page ng “People’s Daily,” Pebrero 28, 1972, ibinalita ang pagkakalagda ng pamahalaang Tsino at Amerikano sa “Magkasanib na Komunike.”

Sinasagisag ng nasabing magkasanib na komunike ang pagtatapos ng 20 taong komprontasyon sa pagitan ng dalawang bansa, at pagpapa-unlad ng relasyon ng Tsina at Amerika tungo sa normalisasyon, bagay na nakapaglatag ng pundasyon sa pagtatayo ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

Ngayong araw sa Kasaysayan: Magkasanib na Komunike ng Tsina at Amerika, ipinalabas noong Pebrero 28, 1972_fororder_20220228Amerika2640

Dumalo at bumigkas ng talumpati sa aktibidad si Qin Gang, Embahador ng Tsina sa Amerika.

Ngayong araw sa Kasaysayan: Magkasanib na Komunike ng Tsina at Amerika, ipinalabas noong Pebrero 28, 1972_fororder_20220228Amerika3640

Qin Gang at Christopher Nixon Cox, apong ni Richard Nixon, habang kinakapanayam ng mga mamamahayag na Tsino at Amerikano.

Isang aktibidad ang idinaos kamakailan sa Richard Nixon Library, sa Yorba Linda City sa Estado ng California, lupang tinubuan ni dating Pangulong Richard Nixon ng Amerika, na pinamagatang “Ice Breaking Journey” bilang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng pagpapalabas ng naturang magkasanib na komunike.

Ngayong araw sa Kasaysayan: Magkasanib na Komunike ng Tsina at Amerika, ipinalabas noong Pebrero 28, 1972_fororder_20220228Amerika1640

Sa loob ng Richard Nixon Library ay matatagpuan ang salitang “50” na gawa sa mga bulaklak.

Salin: Lito
Pulido: Rhio
Photo Courtesy: VCG

Please select the login method