Noong Pebrero 21, 1972, sakay ng pribadong eroplano, dumating ng Beijing Capital International Airport si dating Pangulong Richard Nixon ng Amerika.
Mula Pebrero 21 hanggang 28, 1972, isinagawa ni Richard Nixon, dating Pangulong Amerikano, ang kanyang historikal na pagdalaw sa Tsina.
Nagtagpo sina Mao Zedong (sa kaliwa), Tagapagtatag ng Republika ng Bayan ng Tsina at dating Pangulo ng bansa at dating Pangulong Richard Nixon (sa kanan) ng Amerika.
Mula hapon ng Pebrero 21, 1972, nagtagpo sina Mao Zedong, Tagapagtatag ng Republika ng Bayan ng Tsina at dating Pangulo ng bansa at Nixon kung kailan, matapat silang nagpalitan ng kuru-kuro tungkol sa relasyong Sino-Amerikano at mga suliraning pandaigdig.
Noong Pebrero 25, 1972, bumisita sa Forbidden City sa Beijing sina dating Pangulong Richard Nixon ng Amerika at kanyang asawa na si Pat Nixon.
Malawakan ding nagtalakayan sina Zhou Enlai, dating Premyer ng Tsina, at Nixon tungkol sa normalisasyon ng relasyong Sino-Amerikano, at iba pang isyung kapuwa nila pinahahalagahan.
Noong Pebrero 28, 1972, ipinalabas ng Tsina at Amerika sa lunsod Shanghaiang magkasanib na komunike.
Noong Pebrero 25, 1972, bumisita sa Forbidden City sa Beijing sina dating Pangulong Richard Nixon ng Amerika at kanyang asawa na si Pat Nixon.
Ayon dito, sang-ayon ang kapuwa panig na dapat hawakan ng dalawang bansa ang kanilang relasyon sa pundasyon ng paggagalangan sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng isa’t-isa, di-pagsalakay sa ibang bansa, di-panghihimasok sa suliraning panloob ng iba, paggigiit ng pagkakapantay-pantay at prinsipyong win-win, at mapayapang pakikipamuhayan.
Noong Pebrero 21, 1972, bumisita sa Great Wall of China sina dating Pangulong Richard Nixon ng Amerika at kanyang asawa na si Pat Nixon.
Anito pa, ang normalisasyon ng relasyong Sino-Amerikano ay angkop sa kapkanan ng lahat ng mga bansa.
Noong Pebrero ng 1972, bumisita sa Shanghai Trade Exhibition sina dating Pangulong Richard Nixon ng Amerika at kanyang asawa na si Pat Nixon.
Bukod pa riyan, sinang-ayunan din ng kapuwa panig na palawakin ang pag-uunawaan ng kanilang mga mamamayan, at palalimin ang pag-uugnayan at pagpapalitan sa mga aspektong gaya ng siyensiya at teknolohiya, kultura, at palakasan.
Noong Pebrero 28, 1972, natapos nina dating Pangulong Richard Nixon ng Amerika at kanyang asawa na si Pat Nixon ang kanilang pagdalaw sa Tsina.
Ang pagpapalabas ng Tsina at Amerika ng naturang magkasanib na komunike ay nagsilbing palatandaan na ang relasyong Sino-Amerikano ay tumahak na sa landas ng normalisasyon, matapos ang mahigit 20 taong komprontasyon.
Noong Pebrero ng 1972, sa Beijing, kuhang larawan ng mga Amerikanong mamamahayag kay dating Pangulong Richard Nixon ng Amerika habang siya ay nasa Tian’anmen Square.
Sa pagpasok ng ika-21 siglo, ang relasyong Sino-Amerikano ay nagsisilbing pinakamahalagang bilateral na relasyon sa daigdig.
Kaugnay nito, sa pag-uusap sa telepono noong Setyembre 10, 2021 nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Joe Biden ng Amerika, matapat, malalim, at malawak nilang pinag-usapan ang tungkol sa estratehikong pagkokoordinahan at mga kaukulang isyung kapuwa nila pinahahalagahan.
Tinukoy ni Pangulong Xi na ang mabuting paghawak sa relasyong Sino-Amerikano, ay may kaugnayan sa kinabukasan at kapalaran ng buong daigdig.
Ito aniya ay isang katanungan sa siglong ito na dapat mainam na sagutin ng dalawang bansa.
Bukod dito, sa isa pang virtual meeting nina Xi at Biden noong Nobyembre 16, 2021, ipinagdiinan ng una na sa paglagom ng karanasan at aral ng pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano, dapat igiit ng dalawang bansa ang tatlong prinsipyo: una, paggalang ng kapuwa panig ang isa’t-isa. Ani Xi, dapat igalang ng dalawang bansa ang sistemang panlipunan, landas ng pag-unlad, nukleong kapakanan, at malalaking pagkabahala ng isa’t-isa.
Ikalawa, pagsusulong ng mapayapang pakikipamuhayan ng kapuwa panig. Ang hindi pagsasagupaan at pagwawaksi ng komprontasyon ay mga layon na na dapat igiit ng kapwa panig.
katlo, paggigiit ng kooperasyon tungo sa win-win na resulta. Malalim na magka-ugnay ang kapakanang Sino-Amerikano, kaya kung magtutulungan ang Tsina at Amerika, parehong makikinabang ang dalawang bansa, pero magkakaroon ng paglalaban, areho rin silang mapipinsala.
Salin: Lito
Pulido: Rhio
Photo: VCG