“Double standards” ng Amerika sa larangan ng karapatang pantao, sobrang tanyag — Tsina

2022-03-01 17:33:20  CMG
Share with:

Kaugnay ng inilabas na “Ulat sa Paglabag sa Karapatang Pantao sa Amerika noong 2021” ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, sinabi ngayong Martes, Marso 1, 2022 ni Tagapagsalitang Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, sobrang tanyag sa buong daigdig ng isinasagawang “double standards” ng Amerika sa larangan ng karapatang pantao.

Ani Wang, sa kabila ng napakasamang kalagayan ng karapatang pantao sa Amerika, tinatawag pa nito ang sarili bilang “human rights defender,” umaakto bilang “human rights judge,” at isinusulong ang “human rights diplomacy.”

Ito aniya ay lubos na nagpapahiwatig ng pagkukunwari at “double standards” ng panig Amerikano sa isyu ng karapatang pantao.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method