Ayon sa isang survey sa Amerika kamakailan, ipinalalagay ng mahigit kalahati ng mga respondents na Amerikano na ang nakaraang taon ay “pinakamasamang taon” sa kanilang buhay.
Ito ang nasa-puso ng mga mamamayang Amerikano na nagpapahiwatig ng ibayo pang paglala ng kalagayan ng karapatang pantao sa Amerika.
Inilabas nitong Lunes, Pebrero 28, 2022 ng panig opisyal ang “Ulat sa Paglabag sa Karapatang Pantao sa Amerika noong 2021” kung saan ginagamit nito ang mga tunay na datos at maraming halimbawa para ipakitang noong isang taon, nilikha ng Amerika ang mas maraming utang na loob sa karapatang pantao.
Kabilang dito, nagiging pinakamalaking panunuya sa “karapatang pantao na may istilong Amerikano” ang pagkabigo sa paglaban sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Noong isang taon, pumalo sa 34.51 milyon ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Amerika, at 480 libo ang bilang ng mga binawian ng buhay.
Sa artikulo ni Michael Hiltzik, kolumnista ng “Los Angeles Times,” sinabi niyang na ang nagdaang taong 2021 ay pinaka-tangang taon sa kasaysayan ng Amerika.
Ayon pa sa ulat, noong isang taon, naganap sa Amerika sa kabuuan ang 693 malawakang insidente ng pamamaril na mas malaki ng 10.1% kumpara sa taong 2020. Ikinasawi ang mga ito ng mahigit 44 libong katao.
Bukod pa riyan, lumalala nang lumalala ang kalagayan ng diskriminasyong panlahi sa bansang Amerika. Sa New York lang, noong isang taon, lumaki ng 361% ang bilang ng mga hate crimes laban sa mga Asyano kumpara sa taong 2020.
Ang taong 2021, ay taon din kung saan lubos na nawasak ang imahe ng Amerika bilang “human rights defender” sa daigdig.
Kabilang dito, sa loob ng mahabang panahon maaalala sa kasaysayan ang pag-urong ng tropang Amerikano mula sa Afghanistan na naging kapahamakan ng “American styled human rights.”
Hindi makakalimutan ng mga tao na ang air raid na inilunsad habang ini-uurong ang tropang Amerikano mula sa Afghanistan, ay ikinamatay ng sampung (10) miyembro ng isang pamilyang Afghan na kinabibilangan ng 7 bata.
Tanong! May kuwalipikasyon bang magsalita tungkol sa karapatang pantao ang mga lantarang pumapaslang sa mga sibilyan?
Salin: Lito
Pulido: Mac