Sa pagsisikap ng iba’t ibang panig, maayos na nakalikas ang mga mamamayang Tsino mula sa Ukraine ayon sa pahayag ngayong araw, Marso 2, 2022, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.
Aniya, patuloy at buong lakas na pinangangalagaan ng Ministring Panlabas ng Tsina at embahadang Tsino sa mga kinauukulang bansa ang kaligtasan ng mga mamamayang Tsino sa Ukraine, at patuloy na ipinagkakaloob ang suporta at tulong para sa pag-uwi ng mga kababayang Tsino mula sa Ukraine.
Salin:Sarah
Pulido:Mac