Hinimok nitong Martes, Marso 1, 2022 ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, ang mga kabataang opisyal na patibayin ang kanilang mithiin at paniniwala, buuin at ipatupad ang tumpak na pananaw sa kani-kanilang gawain, at magpunyagi para sa mga balakin ng partido at mga mamamayan.
Winika ito ni Xi sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng programa ng pagsasanay sa mga kabataan at nasa kalagitnaang-gulang na opisyal ng Paaralan ng Partido ng CPC.
Tinukoy ni Xi na ang mga kabataang opisyal ay pag-asa ng pag-unlad ng partido at bansa.
Aniya, dapat ipagtanggol nila ang linya ng depensa laban sa katiwalian, at makatarungan at matapat na ipatupad ang kanilang tungkulin, alinsunod sa batas at para sa kabutihan ng mga mamamayan.
Salin: Vera
Pulido: Mac