Xi Jinping: Igiit ang landas ng pagpapaunlad ng karapatang pantao ng Tsina

2022-02-26 17:20:26  CMG
Share with:

Sa group study ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na idinaos kahapon, Pebrero 25, 2022, binigyang-diin ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC ang paggigiit sa landas ng pagpapaunlad ng karapatang pantao ng Tsina.

 

Sinabi ni Xi, na walang humpay na nagsisikap ang CPC para igalang at igarantiya ang karapatang pantao.

 

Aniya, habang pinapasulong ng Tsina ang komprehensibong pagtatatag ng modernong sosyalistang bansa, dapat ibayo pang pahalagahan ang pagpapahusay ng mga gawaing may kinalaman sa karapatang pantao, ibayo pang igalang at igarantiya ang karapatang pantao, at ibayo pang paunlarin ang usapin ng karapatang pantao ng Tsina.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method