Sa nalalapit na pagbubukas ng Beijing 2022 Paralympic Games sa Marso 4, maayos na isinasagawa ang pagpapalit mula Beijing Winter Olympic Games patungo sa Paralympic Games, dahil gagamitin pa rin ng Paralympic Games ang mga venues at villages ng naunang Olympic Games.
Sa mga venues ng Paralympic games, nagkaroon ng mga bagong barrier free facilities para sa paligsahan. Mas pinatibay ang mga barrier free roads sa labas ng mga lugar na pampaligsahan. Bukod ito, mayroon na ring mga barrier free parking zones, upuan at lugar para sa media.
Noong ika-25 ng Pebrero, opisyal na binuksan ang Paralympic Village.
Para mapadali ang proseso ng security check sa mga atletang may kapansanan, idinagdag ang green way para isagawa ang manual security check.
Sa mga tirahan ng village, pinalitan ang mga muwebles para sa pangangailangan ng mga atletang may kapansanan. Sa kantin ng village, isinapubliko rin ang espesyal na menu para sa mga bulag.
Sa kasalukuyan, kompleto na ang lahat ng paglalagay ng mga simbolo at mascot para sa Paralympic Games. Mula ika-26 ng Pebrero, opisiyal na binuksan ang daanan ng mga sasakyan para sa Paralimpiyada.
Salin: Ernest
Pulido: Mac