Pangulo ng Philippine Skating Union, namangha sa bagong teknolohiya na ginamit sa Beijing Winter Olympics

2022-02-15 22:34:13  CMG
Share with:

Sa kanyang video na ipinost noong Pebrero 12 sa social media, nagpahayag si Nikki Cheng, Pangulo ng Philippine Skating Union at miyembro ng Philippine National Delegation sa Beijing 2022 Olympic Games na namangha siya sa mga bagong teknolohiya na ginamit sa venues ng Beijing Winter Olympic Games.
 

Sa video, ipinakita ni Nikki ang athlete’s louge at curling field sa National Aquatics Center o Ice Cube. Kung walang kompetisyon, ang buong ice surface ng curling field ay naging napakalaking screen na puwedeng ipalabas ang mga advertising videos ng Winter Olympic Games. At sa athlete’s lounge, para mapigil ang pagkalat ng pandemiya, inihahanda ng organizing committee ang contact-less buffet equipment.
 

Nauna rito, sa kanyang interview with CMG, mataas na pinapurihan ni Ms. Cheng ang paghahanda ng Beijing Winter Olympic Games at umaasa siyang kasunod ng pagbabalik-operasyon ng mga skating rinks sa Pilipinas, mas maraming Pinoy ang mahihilig sa winter sports.

Cr: Nikki Cheng
 

Reporter/Video Editing: Sissi 

Please select the login method