Palaro sa Yelo at Niyebe ng mga may Kapansanan sa Tsina, mabilis na umuunlad

2022-03-03 15:30:01  CMG
Share with:

Palaro sa Yelo at Niyebe ng mga may Kapansanan sa Tsina, mabilis na umuunlad_fororder_20220303kapansanan7650

Para sa mga may kapansanan, ang palakasan ay hindi lamang isang pagpapakita ng kagalingan at kakayahan, kundi isa ring paraan ng integrasyon sa lipunan.

Dahil naantala ang mga proyekto ng Winter Paralympics ng Tsina, medyo nahuhuli ang mga ito kumpara sa iba pang bansang nauna nang nagpaunlad sa larangang ito.

Magkagayunman, ang matagumpay na pagbi-bid ng Tsina sa Beijing Winter Paralympics, ay nagdala ng napakalaking pagkakataon para sa pakikilahok ng mga may kapansanan sa Olimpiyada ng Taglamig para sa mga May-kapansanan.

Bukod pa riyan, walang patid na tumataas ang kasiglahan ng malawak na masa ng mga may kapansanan sa Tsina sa pagsali sa ice at snow sports.

Ito ay nakapaglatag ng pundasyon sa paglaganap at pag-unlad ng palarong ito, at nakakapagbigay ng positibong ambag upang maisakatuparan ang hangaring “palahukin ang 300 milyong mamamayang Tsino sa palaro ng yelo at niyebe.”

Sa mga larawan sa ibaba, silipin natin ang sigla ng mga may kapansanan ng Tsina sa palaro ng yelo at niyebe.

Palaro sa Yelo at Niyebe ng mga may Kapansanan sa Tsina, mabilis na umuunlad_fororder_20220303kapansanan6650

Kasabay ng paglapit ng Beijing 2022 Winter Paralympics, idinaos noong Enero 19, 2018 sa Shichahai Skating Ground, Beijing ang Ika-2 Linggo ng ng Palaro ng Yelo at Niyebe ng mga May-kapansanan sa Distritong Xicheng, Beijing.

Palaro sa Yelo at Niyebe ng mga may Kapansanan sa Tsina, mabilis na umuunlad_fororder_202203038640

Sa “Ika-3 Panahon ng Palaro ng Yelo at Niyebe ng mga May-kapansanan ng Tsina” na idinaos noong Disyembre 21, 2018 sa probinsyang Qinghai, mahigit 200 may-kapansanan ang nakaranas maglaro sa yelo at niyebe sa isang ski resort.

Palaro sa Yelo at Niyebe ng mga may Kapansanan sa Tsina, mabilis na umuunlad_fororder_20220303kapansanan3650

Palaro sa Yelo at Niyebe ng mga may Kapansanan sa Tsina, mabilis na umuunlad_fororder_20220303kapansanan2650

Sa lunsod Qingdao ng probinsyang Shandong, nagsanay Enero 7, 2022 ang mga may kapansanan sa larong Floor Curling. Ipinahahayag nito ang imahe ng diwa ng mga may-kapansanan sa bagong siglo.

Palaro sa Yelo at Niyebe ng mga may Kapansanan sa Tsina, mabilis na umuunlad_fororder_20220303kapansanan1650

Idinaos noong Pebrero 18, 2022 sa isang ski resort sa probinsyang Henan ang Ika-6 na Panahon ng Palaro ng Yelo at Niyebe ng mga May-kapansanan na nilahukan ng mahigit 100 bulag at boluntaryo mula sa buong probinsyang Henan.

Palaro sa Yelo at Niyebe ng mga may Kapansanan sa Tsina, mabilis na umuunlad_fororder_20220303kapansanan5650

Si Wang Quanli, 65 taong gulang, sa isang skating rink sa Hulun Buir. Sa edad 35 taong gulang, siya ay naging isang below-knee dahil sa isang aksidente. Bukod diyan, nawalan din siya ng 3 daliri.

Palaro sa Yelo at Niyebe ng mga may Kapansanan sa Tsina, mabilis na umuunlad_fororder_20220303kapansanan4650

Magkagayunman, ipinalalagay pa rin niya na bilang isang buhay na tao, dapat siyang magkaroon ng magandang buhay.

Noong Nobyembre 2019, hinikayat ni Wang ang kanyang sarili na maglakad sa yelo, at sinuot niya ang skating blade sa kanyang artipisyal na paa para sumali sa laro. Mula noon, nahilig na siya sa larong ito.


Salin: Lito
Pulido: Rhio
Photo Courtesy: VCG

Please select the login method