[Beijing 2022 Winter Paralympics] Apoy ng Beijing Winter Paralympics, manggagaling sa siyam na lugar

2022-03-02 19:39:04  CMG
Share with:

Mula Marso 2 hanggang Marso 4, 2022, idinaraos sa Beijing, Yanqing at Zhangjiakou ang torch relay ng Beijing Winter Paralympic Games.

[Beijing 2022 Winter Paralympics] Apoy ng Beijing Winter Paralympics, manggagaling sa siyam na lugar_fororder_20220302Paralympics1

May tatlong bahagi ang buong proseso ng torch relay na kinabibilangan ng pagkolekta ng mga apoy, pagtitipon-tipon ng mga apoy, at paghahatid ng sulo.

[Beijing 2022 Winter Paralympics] Apoy ng Beijing Winter Paralympics, manggagaling sa siyam na lugar_fororder_20220302Paralympics3

Napag-alaman, ang opisyal na apoy ng Beijing Winter Paralympics ay bubuuin ng mga apoy mula sa 9 na lugar na kinabibilangan ng Stoke Mandeville ng Britanya, pinagmulan ng Paralympic Games, at 8 pook sa Beijing, Yanqing at Zhangjiakou, tatlong pagdarausan ng mga paligsahan ng gaganaping Paralimpiyada.
 

Ayon sa salaysay, batay sa kahilingan ng International Paralympic Committee (IPO) at pundamental na ideya ng apoy ng Paralimpiyada, maaaring magbigay-ambag sa pangongolekta ng apoy ng Paralimpiyada ang sinumang indibiduwal, organisasyon o lunsod.

[Beijing 2022 Winter Paralympics] Apoy ng Beijing Winter Paralympics, manggagaling sa siyam na lugar_fororder_20220302Paralympics2

Maliban sa Mandeville, ang iba pang mga apoy ay kokolektahin mula sa 8 landmarks ng Tsina sa larangan ng pagbibigay-tulong sa mga may kapansanan na kinabibilangan ng paaralan, pamayanan, aklatan, historikal na lugar, modern scientific and technological park, at pinangolektahan ng 2008 Beijing Summer Paralympics.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method