Bubuksan Biyernes, Marso 4, 2022 sa Beijing, Tsina ang Ika-5 Sesyon ng Ika-13 Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC).
Pakikinggan at susuriin dito ang work report ng Pirmihang Lupon ng CPPCC at ulat hinggil sa mga mosyon.
Dagdag pa riyan, pakikinggan at tatalakayin din ang government work report at iba pang mga kaukulang ulat.
Aanyayahan ang mga diplomata at sugong dayuhan sa mga komperensya ng pagbubukas at pagpipinid ng naturang sesyon.
Sa kasalukuyan, handang-handa na ang lahat ng mga preparatoryong gawain.
Tatagal ng 6 na araw ang nasabing sesyon, at ipipinid sa Marso 10.
Salin: Vera
Pulido: Rhio