Ayon sa ulat ng 360, kompanyang Tsino sa segruidad ng internet, na lumabas nitong Marso 2, 2022, inilunsad ng APT-C-40 group ng Pambansang Ahensya sa Seguridad ng Amerika ang walang pakundangang cyber attack sa buong daigdig nitong nakaraang mahigit 10 taon.
Sinabi ng ulat na isinagawa ng Amerika ang pag-atake sa internet sa 403 targets sa 47 bansa at rehiyon ng buong mundo.
Kaugnay nito, ipinahayag Marso 3, 2022, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sinusubaybayan ng Tsina ang naturang ulat.
Kinondena ng Tsina ang malisyosong aktibidad sa cyberspace na isiniwalat ng naturang ulat, at mariing hinihimok ng Tsina ang Amerika na ipaliwanag ito at agarang itigil ang mga aktibiad na katulad nito.
Isasagawa ng Tsina ang kinakailangang hakbangin para mapangalagaan ang seguridad ng cyberspace ng Tsina at kapakanan ng bansa.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio