Liham, ipinadala ni Pangulong Xi Jinping sa pangulo ng IOC: simple, ligtas, at makulay na Olimpiyada, naihatid ng Tsina sa daigdig

2022-03-06 19:15:00  CMG
Share with:

Sa liham na ipinadala kamakailan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Thomas Bach, Presidente ng International Olympic Committee (IOC), tinukoy niya na kasiya-siyang natapos ang Beijing 2022 Winter Olympics. Komprehensibo aniyang natupad ng panig Tsino ang pangako nitong maghatid ng isang simple, ligtas, at makulay na Olimpiyada para sa daigdig.

Diin ni Xi, ito ay nagkamit ng papuri mula sa komunidad ng daigdig.

Ipinaabot din ni Pangulong Xi ang pasasalamat sa ibinigay na suporta ni Bach at IOC sa Beijing Winter Olympics.

Aniya, handa ang pamahalaang Tsino na panatilihin ang mahigpit na pakikipagkooperasyon sa IOC, at katigan tulad ng dati, ang mga gawain nito para magkasamang mapasulong ang masiglang pag-unlad ng Olimpiyada, tungo sa pagkatha ng bagong kabanata sa pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng buong sangkatauhan.

Nauna rito, ipinadala kamakailan ni Bach ang liham kay Pangulong Xi kung saan, ipinahayag niya ang pagbati sa kasiya-siyang pagpipinid ng Beijing 2022 Winter Olympics.

Sinabi ni Bach na natupad ng Beijing Winter Olympics ang solemnang pangako nitong itaguyod ang isang de-kalidad na Olimpiyada at naigarantiya ang kaligtasan ng lahat ng kasali.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method