COVID-19 Crisis Recovery Fund ng AIIB, daragdagan sa US$20B

2022-03-08 21:46:09  CMG
Share with:

Inaprobahan na ng Board of Directors ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) na pahahabain ang panahon pag-aaplay ng COVID-19 Crisis Recovery Facility hanggang sa katapusan ng taong 2023, para tulungan ang mga miyembro nito na harapin ang mahigpit na kalagayan ng pandemiya sa buong mundo, at hamon sa pagbangon ng kabuhayan.

COVID-19 Crisis Recovery Fund ng AIIB, daragdagan sa US$20B_fororder_01aiib

Sa pamamagitan ng mas maluwag na suportang pinansyal, ang COVID-19 Crisis Recovery Fund ay naglalayong tulungan ang miyembro na mapahupa ang kahirapang dulot ng COVID-19 sa pampublikong kalusugan, ekonomiya, sistemang pinansyal at iba pa.

 

Bukod dito, dinagdagan at nagkakahalaga na ngayon sa US$20 bilyon ang naturang pondo.

 

Itinayo noong April, 2020 ang funding facility. Nauna rito, ang maturity ng pondong ito ay 24 buwan, at ang pondo ay nagkakahalaga ng US$13 bilyon.

 

Hanggang sa kasalukuyan, 46 na proyekto ang inaprobahan ng AIIB sa loob ng framework na ito, ang kabuuang halaga ng pagpopondo ay lumampas ng US$11.5 bilyon.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method