Ngayong araw, Marso 8, 2022 ay International Women’s Day.
Sa araw na ito, balik-tanawin natin ang mga dakilang babaeng nagbago sa daigdig at nagpasulong sa lipunan sa pamamagitan ng kanilang kabutihan, kagandahan, katalinuhan, at pagsasarili.
Si Clara Zetkin (1857-1933), isa sa mga lider ng International Communist Women’s Movement na tinatawag na “Ina ng Pandaigdigang Kilusan ng Kababaihan.”
Si Rosa Parks (1913-2005), aktibista ng African-American Civil Rights Movement na tinatawag na “Ina ng Modernong Kilusan ng Karapatan ng mga Sibilyan.”
Sa litrato ay nakaingting nakalakad si Mrs. Rosa Parks sa kalsada noong Disyembre 21, 1956 makaraang isapubliko ng Supreme Court ang kahatulang nagpapawalang-bisa sa segregasyon o patakaran ng paghihiwalay ng mga puti at itim sa mga sasakyang pampubliko.
Matatandaang noong Disyembre 1, 1955, dahil sa pag-upo sa harapan ng isang puting pasahero sa isang bus, naaresto si Rosa Park.
Si Gloria Macapagal Arroyo, isinilang noong Abril 5, 1947, ay ika-14 at ika-15 Presidente ng Pilipinas. Siya rin ay ikalawang babaeng Presidente ng Pilipinas.
Nagbigay siya ng namumukod na ambag sa mga aspektong gaya ng reporma at hanap-buhay sa Pilipinas, kaya binigyan siya ng titulong “mabunying babae” ng maraming organisasyon.
Si Josefa Llanes Escoda (1898-1945), ay isang kilalang manggagawang panlipunan ng Pilipinas, babaeng pinuno ng digmaan ng Pilipinas laban sa pananalakay ng Hapon.
Siya rin ay tagapagtaguyod sa pagkakaroon ng mga kababaihang Pilipino ng karapatang bomoto at tagapagtatag ng Philippine Girl Scouts.
Noong taong 2014, inimprenta ang imahe niya sa salapi ng Pilipinas na may halagang 1000 bilang paggunita sa ginawang sakripisyo ng mga mamamayang Pilipino sa paglaban sa pananakop ng Hapon sa panahon ng World War II.
Si Florence Nightingale (1820-1910), tagapagbunsod ng Englatera sa pag-aaruga ng mga may-sakit, repormador ng medisina, at bayaning babae sa Crimean War.
Si Agnes Smedley (1892-1050), kilalang International fighter, aktibistang panlipunan, bantog na manunulat ng Amerika, kilalang mamamahayag, at beteranong kaibigan ng mga mamamayang Tsino.
Si Mother Teresa of Calcutta (1910 - 1997), bantog na Catholicism charitable worker. Nagwagi siya ng Nobile Peace Prize noong taong 1979.
Noong Oktubre ng 2003, kinilala ng Roman Catholic church ang kanyang mga ambag at napabilang sa Beatification.
Sa litrato makikitang inaalagaan ni Mother Teresa ang isang sanggol sa isang Catholic-sponsored children's home sa Calcutta.
Si Diana Spencer (1961-1997), unang asawa ni Prince Charles ng United Kingdom. Sa larangan ng pagkakawanggawa, kasing-sikat siya ni Mother Teresa.
Pinondohan niya ang pagtatatag ng mahigit 20 charitable foundations, at minsa’y bumisita siya sa mga maralitang lugar sa Hilagang Aprika, India, Angola, Pakistan, at iba pa. Ginawaran siya ng Humanitarian Award ng United Nations (UN).
Ang kabutihan ni Diana Spencer ay nagbaligtad at nagligtas ng malamig na imahe ng British Royal Family, at binigyan siya ni Anthony Charles Lynton Blair, dating Punong Ministro ng Britanya, ng titulong “People's Princess.”
Sa litrato ay si Diana Spencer, kasama ni Mother Teresa sa New York.
Si Ching-ling Soong (1893-1981), isa sa mga tagapagtatag ng Republika ng Bayan ng Tsina. Napakakilalang dakilang babae sa ika-20 siglo at tinagurian din bilang Madame Sun Yat-sen.
Si Agatha Christie (1890-1976), sikat na Britanikong manunulat ng detective novels.
Ginawaran siya ng titulong “Detective Queen” ni Queen Elizabeth II ng United Kingdom of Great Britain and Northern Ireland.
Si Teresa Teng (1953-1995), isang milestone ng popular music sector sa Tsina.
Bilang isang walang katulad na superstar sa kasaysayan ng musikang Tsino, siya ay hindi lang naka-impluwensya sa pag-unlad ng Chinese popular music, kundi maging sa lipunang Tsino sa larangang pangkultura.Higit sa isang mang-aawit, si Teresa Teng ay isa ring simbolong kultural.
Si Zhang Guimei, isinilang noong taong 1957, ay guro at prinsipal ng Huaping High School for Girls.
Siya ang nagwagi ng “July 1 Medal” noong Hunyo 29, 2021.
Si Marilyn Monroe (1926-1962), babaeng atista at model ng Amerika. Kilala sya ng lahat bilang “sex goddess.”
Sa litrato si Marilyn Monroe ay makikitang nag-pose para sa isang portrait noong 1952.
Si Valentina Vladimirovna Tereshkova, isinilang noong taong 1937, ay bayaning babae at Major General ng dating Soviet Union.
Siya ang unang babaeng astronaut sa daigdig.
Si Marie Curie (1867-1934), ay kilalang Pranses na siyentista, physicist at chemist.
Siya ang unang nagwagi ng Nobel Prize ng dalawang beses.
Si Dr. Chien-Shiung Wu (1912-1997), ay nuclear physicist na nakapagbigay ng napakalaking ambag sa larangan ng pananaliksik sa β-decay.
Binansagan siya bilang “Eastern Marie Curie,” “Queen of Nuclear Physics,” at “Unang Ginang ng Physics.”
Si Dr. Chien-Shiung Wu ay naging unang babaeng puno ng American Physical Society (APS) sa kasaysayan.
Sa Litrato si Dr. Wu ay nasa isang laborotaryo sa Columbia University noong Disyembre, 1958.
Si Tu Youyou, isinilang noong Disyembre 30, 1930, ay unang nagwagi ng Nobel Medicine Prize ng Tsina.
Siya rin ay punong siyentista at punong mananaliksik ng China Academy of Chinese Medical Science, puno ng Sentro ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Artemisinin, at nagwagi ng Medal of the Republic.
Idinaos noong Disyembre 10, 2015 sa Stockholm Concet Hall ang 2015 Nobel Prize award ceremony.
Sa litrato ay tinanggap ni Tu Youyou ang kanyang medal.
Salin: Lito
Pulido: Mac
Photo Courtesy: VCG