Ayon sa datos na inilabas Miyerkules, Marso 9, 2022 ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, mas mataas ng 0.9% ang Consumer Price Index (CPI) ng bansa noong Pebrero 2022 kumpara sa gayunding panahon ng 2021.
Dagdag pa riyan, ang bilang na ito ay mas mataas din ng 0.6% kumpara sa datos noong Enero 2022.
Kaugnay nito, ang presyo ng mga pagkain noong Pebrero ay bumaba ng 3.9% kumpara sa presyo ng pagkain sa gayunding panahon ng 2021.
Samantala, ang presyo ng mga produktong di-pagkain noong Pebrero ay tumaas ng 2.1% kumpara sa presyo ng mga ito sa parehong panahon ng 2021.