Ayon sa datos na isinapubliko nitong Miyerkules, Enero 12, 2022 ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, nasa makatuwirang lebel sa kabuuan ang pangkalahatang presyo ng mga paninda sa Tsina noong 2021.
Samantala, lumaki ng 0.9% ang Consumer Price Index (CPI) ng bansa kumpara sa taong 2020.
Ayon kay Yao Jingyuan, espesyal na mananaliksik ng Konseho ng Estado ng Tsina, hindi madaling naisakatuparan ang mababang lebel at matatag na takbo ng presyo ng mga paninda ng bansa noong isang taon.
Salin: Lito
Pulido: Rhio