Konstruktibong diyalogo at kooperasyon, kailangang isagawa ng iba't-ibang bansa sa usapin ng karapatang-pantao — Tsina

2022-03-09 18:23:53  CMG
Share with:

Sa ngalan ng mahigit 40 bansa, ipinanawagan Marso 8, 2022 sa Mataas na Komisyoner ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) ni Chen Xu, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa United Nations (UN), Geneva ang pagpapasulong ng karapatan sa kabuhayan, lipunan at kultura, at karapatan sa pag-unlad.

 

Aniya, dapat pasulungin ang partnership ng iba’t-ibang bansa sa pamamagitan ng konstruktibong diyalogo at kooperasyon.

 

Tinututulan ng Tsina ang paggamit sa usapin ng karapatang-pantao bilang sandatang pulitikal, saad ni Chen.

 

Sa harap aniya ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), makikita na lubhang kulang ang pamumuhunan ng mga multilateral na organo sa karapatang-pantao sa larangan ng karapatan sa kabuhayan, lipunan at kultura, at karapatan sa pag-unlad.

 

Diin niya, dapat aktuwal na palakasin ang pamumuhunan sa mga larangang ito upang tulungan ang mga bansa, partikular, ang mga umuunlad na bansa, upang maharap ang hamon ng COVID-19 at isakatuparan ang sustenableng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan.

Konstruktibong diyalogo at kooperasyon, kailangang isagawa ng iba't-ibang bansa sa usapin ng karapatang-pantao — Tsina_fororder_01un

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method