Tsina, patuloy at aktibong lalahok sa mga usapin ng karapatang pantao ng UN

2022-03-01 18:20:45  CMG
Share with:

Tsina, patuloy at aktibong lalahok sa mga usapin ng karapatang pantao ng UN_fororder_W020220228753040031102

Kaugnay ng paglahok nitong Lunes, Pebrero 28, 2022 ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa mataas na pulong ng ika-49 na Sesyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC), ipinahayag ngayong Martes, Marso 1, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na inilahad ni Ministrong Wang ang mga paninindigang Tsino sa naturang pulong hinggil sa pangangalaga at pagpapasulong sa karapatang pantao.

Sinabi pa ni Wang na sa hinaharap, patuoy na igigiit ng Tsina ang landas ng karapatang pantao na angkop sa aktuwal na kalagayan ng Tsina at aktibong lalahok sa mga usapin ng karapatang pantao ng UN.

Sinabi pa ni Wang na patuloy na magbibigay ambag ang Tsina sa mga suliranin ng karapatang pantao ng UN at pasusulungin, kasama ng mga bansa sa daigdig, ang malusog na pag-unlad ng usapin ng karapatang pantao sa buong daigdig.

Salin: Ernest

Pulido: Mac

Please select the login method