Online na talastasang pangkapayapaan, idinaos ng Rusya at Ukraine

2022-03-14 16:41:15  CMG
Share with:

Sinabi ni Dmitry Peskov, Tagapagsalita ng Kremlin, na idinaos ngayong araw, Marso 14, 2022 ng Rusya at Ukraine ang talastasang pangkapayapaan.

 

Aniya, pinamunuan ni Vladmir Medinsky, Asistente ng Pangulong Ruso, ang delegasyon ng Rusya, samantalang si David Arakhamia naman ang kinatawan ng Ukraine.

 

Kinumpirma rin ni Arakhamia ang pagdaraos ng nasabing talastasan.

 

Samantala, ipinahayag nang araw rin iyon ni Pangulong Volodymyr Zelenskyy ng Ukraine na hangga’t maaari ay magsisikap ang delegasyon ng Ukraine para i-organisa ang pagtatagpo ng mga lider ng dalawang bansa.

 

Hanggang sa kasalukuyan, 3 round na ng personal na pag-uusap ang naidaos ng Rusya at Ukraine sa karatig-bansang Belarus.

Online na talastasang pangkapayapaan, idinaos ng Rusya at Ukraine_fororder_02rusyaukraine

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method