Ipinahayag ng Kremlin nitong Sabado, Marso 12 (local time), 2022, na nag-usap sa telepono sina Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya, at Chancellor Olaf Scholz ng Alemanya.
Sinabi ni Putin na kasalukuyang sistematikong sinisira ng mga lider ng Ukraine ang aksyong panaklolo ng Rusya sa mga mamamayan ng nasabing bansa. .
Ito aniya ay labag sa pandaigdigang makataong batas.
Nanawagan din siya sa Pransya at Alemanya na gamitin ang kanilang impluwensiya upang pigilan ang awtoridad ng Ukraine sa kanilang mga kriminal na aksyon.
Samantala, ipinasiya ng nasabing tatlong lider na panatilihin ang pag-uugnayan tungkol sa isyu ng Ukraine.
Salin: Lito
Pulido: Rhio