Isinapubliko nitong Martes, Marso 15, 2022 ang datos ng pagtakbo ng pambansang kabuhayan ng Tsina mula noong Enero hanggang Pebrero ng taong kasalukuyan, bagay na nakapagbigay ng kompiyansa sa merkado.
Ayon kay Fu Linghui, Tagapagsalita ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, ngayo’y bumabangon ang kabuhayang Tsino. Ito aniya ay nakapaglatag ng matatag na pundasyon para sa pagkakaroon ng mabuting simula sa unang kuwarter ng kasalukuyang taon.
Ayon sa mga kongkretong indeks, tumaas ang pangangailangan sa produksyon, tumakbo sa makatuwirang saklaw ang ekonomiya, malinaw na mas mababa kaysa inaasahang target na mga 3% ang presyo ng konsumo, matatag sa kabuuan ang unemployment rate sa mga lunsod at bayan, napakalinaw ng tunguhin ng puwersang tagapagpasulong sa pamamagitan ng inobasyon, at mainam na bumubuti ang mga high-tech industries.
Salin: Lito
Pulido: Mac