Pagpasok ng mga dayuhang turista sa Pilipinas, pinadali

2022-03-17 16:44:21  CMG
Share with:

Ipinahayag Marso 16, 2022 ng Bureau of Imigration (BI), na mula sa nabanggit na petsa,  magiging mas madali na ang pagpapasok ng mga dayuhan sa Pilipinas.

 

Ayon sa advisory na pinirmahan ni Komisyoner Jaime Morente ng BI, ang mga dayuhang galing sa mga visa-required na bansa at rehiyon ay kailangang pa ring kumuha ng "entry exemption document" bago magtungo sa Pilipnas.

 

Kailangan din aniyang may kumpletong bakuna laban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) ang mga nagnanais bumiyahe, maliban sa mga batang mas mababa sa edad 12 anyos na kasama ng kanilang mga magulang.

 

Bukod pa riyan, dapat ding mayroong katunayan ng pagbabakuna at negative RT-PCR test na kinuha sa loob ng 48 oras ang mga biyahero bago umalis sa kani-kanilang bansa.

 

Dahil dito, makakapasok na sa Pilipinas ang mga mamamayang galing sa 157 visa-free na bansa at rehiyon, mula Pebrero 2022.

 

Samantala, ipinahayag ni Kalihim Bernadette Romulo-Puyat ng Kagawaran ng Turismo (DOT), na umaasa siyang mae-engganyo ng naturang hakbangin ang mas maraming turistang dayuhan na bumisita sa Pilipinas.

 

Pagpasok ng mga dayuhang turista sa Pilipinas, pinadali_fororder_02pilipinas_conew1

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method