Mahigit 95% ng mga kaso sa pinakabagong pagkalat ng COVID-19 sa Chinese mainland, malumanay o asimtomatiko

2022-03-20 16:12:52  CMG
Share with:

Kaugnay ng pinakabagong pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland na dulot ng Omicron variant, sinabi kahapon, Marso 19, 2022, ni Jiao Yahui, Puno ng Bureau of Medical Administration ng National Health Commission (NHC) ng Tsina, na mahigit 95% ng mga nahawahan ay malumanay o asimtomatiko.

 

Wala pa aniya sa 0.1% ng mga may-sakit ang nasa grabe o kritikal na kondisyon.

 

Dagdag pa niya, patuloy pa rin ang pagkalat ng COVID-19, at sabay-sabay na lumilitaw ang mga pagkahawa sa iba't-ibang lugar ng maraming lalawigan.

 

Ayon sa estadistika, mula noong Marso 1 hanggang Marso 18, naiulat sa 28 lalawigan ng Chinese mainland ang mahigit 29,000 kaso ng COVID-19.

 

Kasabay nito, naitala nitong Marso 19 ang 1,656 na bagong kumpirmadong kasong may kaugnayan sa lokal na pagkalat, at 2,316 na bagong asimtomatikong kaso.

 

Samantala, sinabi naman ni Mi Feng, Tagapagsalita ng NHC, na iginigiit ngayon ng Tsina ang patakarang "Dynamic Zero-COVID," para maisakatuparan ang pinakamabisang pagkontrol sa pandemiya, na may pinakamaliit na gastusin.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan

Please select the login method