Nag-usap nitong Linggo, Marso 20, 2022 sa Distrito ng Tunxi, Lunsod ng Huangshan, Lalawigang Anhui, sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Ramtane Lamamra, Ministrong Panlabas ng Algeria.
Ipinahayag ni Wang na kung mapapahigpit ng dalawang bansa ang kooperasyon, siguradong magkakaroon ng malaking pag-unlad ang pagsasademokrasya ng pandaigdigang relasyon tungo sa paglikha ng mas maunlad na kinabukasan para sa buong daigdig.
Ipinahayag naman ni Ramtane Lamamra na sang-ayon ang kanyang bansa sa paninindigang Tsino sa kasalukuyang krisis ng Ukraine, at sinabi niyang ang mga paninindigang Tsino ay batay sa pandaigdigang katarungan at pagkakapantay-pantay.
Ito aniya ay itinuturing na tamang landas sa paglutas ng krisis ng Ukraine.
Salin: ernest
Pulido: Rhio