Tsina at Algeria, pag-iibayuhin ang kooperasyon sa iba’t ibang larangan

2021-07-20 15:57:11  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipagtagpo kay Pangulong Abdelmadjid Tebboune ng Algeria nitong Lunes, Hulyo 19, 2021, sinabi ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na itinuturing ng kanyang bansa ang Algeria bilang partner na naghahangad ng komong kaunlaran at kasaganaan.
 

Aniya, napakalaki ng nakatagong lakas at espasyong pangkaunlaran ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa.
 

Hinimok aniya ng panig Tsino ang mga kompanyang Tsino na mamuhunan at magbukas ng negosyo sa Algeria.
 

Inihayag din niya ang kahandang magpunyagi, kasama ng panig Algerian, upang gawing aktuwal na bungang pangkooperasyon ang pagtitiwalaang pulitikal ng kapuwa panig sa mataas na antas, at tulungan ang Algeria na pabilisin ang proseso ng industriyalisasyon, at palakasin ang kakayahan sa nagsasariling pag-unlad.
 

Binigyan naman ni Pangulong Tebboune ng mataas na papuri ang natamong tagumpay ng Tsina, sa ilalim ng pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
 

Aniya, sa kasalukuyan, kapuwa pumasok sa bagong yugto ng pag-unlad ng Algeria at Tsina. umaasa ang panig Algerian na palalalimin ang kooperasyon sa Tsina sa mga larangang gaya ng kabuhaya’t kalakalan, pamumuhunan, enerhiya, yamang mineral, konstruksyon ng imprastruktura at iba pa, sa ilalim ng balangkas ng Belt and Road.
 

Ipinagdiinan din niya ang pananabik ng kanyang bansa na patitingkarin ng Tsina ang mas malaking papel sa mga suliraning pandaigdig, at pasusulungin ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon, maging ng buong mundo.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method