Komprehensibong pagpapatupad ng RCEP, napagkaisahan ng Kambodya at Hapon

2022-03-21 16:02:38  CMG
Share with:

Sa magkasanib na pahayag Marso 20, 2022, na inilabas matapos ang pagtatagpo nina Punong Ministrong Hun Sen ng Kambodya, at dumadalaw na Punong Ministrong Fumio Kishida ng Hapon, nagkaisa ang dalawang bansa na igarantiya ang “kumpletong implementasyon” ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) para magdulot ng benepisyo para sa lahat.

 

Ang RCEP ay malawak na kasunduang pangkalakalan sa pagitan ng sampung miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at 5 partner na kinabibilangan ng Tsina, Hapon, Timog Korea, Australia at New Zealand.

 

Ito ay nilagdaan Nobyembre 15, 2020 at nagkabisa noong unang araw ng Pebrero 2022.

 

Bilang pinakamalaking organisasyong pangkalakalan sa buong daigdig, aalisin ng RCEP ang 90% ng traripa ng mga kalakal sa pagitan ng mga signataryong bansa sa loob ng 20 taon.

Komprehensibong pagpapatupad ng RCEP, napagkaisahan ng Kambodya at Hapon_fororder_01RCEP

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method