Sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Foreign Ministers' Retreat na ginanap kahapon, Pebrero 17, 2022 sa Phnom Penh, Kambodya, ipinangako ng mga kalahok na ministro ang paggarantiya sa komprehensibo’t mabisang pagpapatupad ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).
Sa news briefing pagkatapos ng pulong, isinalaysay ni Prak Sokhonn, Ministrong Panlabas ng Kambodya na inulit sa pulong ang kahalagahan ng pagpapalakas ng integrasyong pangkabuhayan ng ASEAN at konektibidad ng kalakalan, pamumuhunan at supply chain sa loob ng ASEAN, para mapataas ang kakayahang kompetetibo at konektibidad ng rehiyon.
Ayon kay Prak Sokhonn, tinalakay rin ng mga ministro ang mga hakbangin sa muling pagpapasigla ng kabuhayang panrehiyon sa post pandemic era, at ipinagdiinan ang kahalagahan ng ganap at mabisang pagpapatupad ng ASEAN Comprehensive Recovery Framework.
Salin: Vera
Pulido: Mac