Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Biyetnam, lumampas sa 8 milyon

2022-03-22 15:36:26  CMG
Share with:

Ayon sa datos ng Ministri ng Kalusugan ng Biyetnam nitong Lunes, Marso 21, 2022, 131,713 ang bagong kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansang ito nang araw na iyon. Samantala, 69 ang bilang ng mga pumanaw.

Hanggang ngayon, ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Biyetnam ay lumampas na sa 8 milyon

Bukod dito, ang 98.5 milyon ng populasyon ng Biyetnam ay tinurukan na ng 202 milyong dosis ng bakuna ng COVID-19.

Salin: Ernest

Pulido: Mac

 

Please select the login method