Sa ngalan ng mga bansa na may magkaka-parehong palagay, binigkas nitong Marso 21, 2022, sa Konseho sa Karapatang Pantao ng United Nations (UN), ni Jiang Duan, Pirmihang Sugo ng Tsina sa Tanggapan ng UN sa Geneva at delegasyong Tsino sa ibang organisasyong pandaigdig sa Swizerland, ang magkasanib na talumpati.
Sa talumpati, ipinahayag ni Jiang ang pagkabalisa sa paglabag ng ilang bansa sa karapatan ng mga katutubo. Hinimok niya ang mga naturang bansa na dapat agarang iwasto ang kanilang kamalian.
Bukod dito, nanawagan din si Jiang sa naturang konseho na dapat bigyang-pansin ang isyung ito at isagawa ang kinakailangang aksyon.
Salin:Sarah
Pulido:Mac