Tsina sa Amerika: pagsisihan ang sariling problema sa karapatang pantao

2022-03-22 12:21:57  CMG
Share with:

Kahapon, Marso 21, 2022 ay pandaigdigang araw para sa pagpapawi sa diskriminasyong panlahi.
 

Inihayag nang araw ring iyon ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na bilang signataryong bansa ng International Convention on the Elimination of All Forms of Racial Discrimination, laging kasabwat ang Amerika sa diskriminasyong panlahi, at hindi isinasagawa ang mabisang hakbangin upang baguhin ang sistematikong diskriminasyong panlahi, bagay na malubhang lumalabag sa obligasyon ng naturang kombensyon.
 

Tinukoy ni Wang na sa harap ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), lantarang pinalaganap ng mga mataas na opisyal ng pamahalaang Amerikano ang istigmatisasyon at diskriminasyon laban sa grupong Asyano, at madalas na nagaganap ang mga karahasang nakatuon sa mga Asyano sa loob ng Amerika.
 

Bukod dito, di-makatarungan ang pakikitungo sa mga taong hindi nabibilang sa lahing Caucasian at mga mandarayuhan sa mga pribadong bilangguan, at marami ang insidente ng pagpatay sa mga African-American at ibang etnikong grupo na sanhi ng diskriminasyong panlahi.
 

Saad ni Wang, sa harap ng masamang rekord sa karapatang pantao, pinalaganap ng Amerika ang imahe nito bilang “diktador sa karapatang pantao,” at isinasapulitika’t ginagawang sandata ang karapatang pantao.
 

Ito aniya ay hayagang nakasira sa pandaigdigang batas at pundamental na norma ng relasyong pandaigdig, at tumaliwas sa pagsisikap ng komunidad ng daigdig para sa pagpapawi sa diskriminasyong panlahi, paggalang at paggarantiya sa karapatang pantao.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method