Kooperasyon, pasisiglahin ng Tsina at Mundong Islamiko

2022-03-23 23:53:27  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati Marso 22, 2022, sa seremonya ng pagbubukas ng Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Organisation of Islamic Cooperation (OIC), ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ito ang kauna-unahang pagkakataon para sa Ministrong Panlabas ng Tsina na dumalo sa nasabing pulong.

Kooperasyon, pasisiglahin ng Tsina at Mundong Islamiko_fororder_02wangyi

Ani Wang, ito ay lubos na nagpapakita ng matapat na mithiin ng Tsina at Mundong Islamiko upang magpalakas ng kooperasyon.

 

Nakahanda aniyang magsikap ang Tsina, kasama ng Mundong Islamiko para pasulungin ang totohanang multilateralismo, pangalagaan ang Karta ng UN, at patatagin ang pandaigdigang sistema kung saan ang nukleo ay UN.

 

Idinaos mula Marso 22, 2022, hanggang Marso 23, sa Islamabad, kabisera ng Pakistan, ang pulong ng mga ministrong panlabas ng OIC.

 

Ito ay nilahukan ng mga ministrong panlabas at mga kinatawan mula sa mahigit 60 bansa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method