Sa Interactive Dialogue with the Special Rapporteur on Minority Issues ng Ika-49 na Sesyon ng Konseho ng United Nations (UN) sa Karapatang Pantao, Marso 22, 2022, mariing ipinahayag ng kinatawang Tsino na umiiral pa rin ang rasismo at diskriminasyon sa Amerika.
Hinimok niya ang Amerika na aktuwal na pangalagaan ang karapatan ng mga kabilang sa minorya ng lipunan.
Ipinalalagay aniya ng Tsina na dapat palagiang subaybayan ng Special Rapporteur on Minority Issues ang isyu ng paglabag ng Amerika sa karapatan ng mga minorya.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio