Nagpapatuloy hanggang ngayong araw, Marso 24, 2022 ang gawain ng paghahanap sa lugar-pinagbagsakan ng Flight MU5735 ng China Eastern Airlines.
Pinapalawak ng mga awtoridad ang saklaw ng paghahanap, para makita kung may nakaligtas sa nasabing insidente.
Kaugnay nito, nakahanda ang mga doktor at nars sa lugar-pinangyarihan upang dagliang rumesponde sa anumang sakuna, at upang igarantiya ang kaligtasan ng mga tauhan.
Samantala, unti-unti nang natutuklasan ang ilang bahagi ng eroplano at piraso ng mga labi ng mga pasahero.
Matatandaang nahanap na kahapon ang isa sa mga black box.
Bumagsak Marso 21, 2022 ang nasabing eroplano habang lumilipad mula Lunsod Kunming, Lalawigang Yunnan papunta sa Lunsod Guangzhou, Lalawigang Guangdong.
Lulan nito ang 123 pasahero at 9 na tripulante.
Salin: Vera
Pulido: Rhio